Header Ads

Man shot dead by motorcycle-riding men in Helvetia Heights Subdivision, Bacolod City.


Lumikha ng maagang kaguluhan sa main road ng Barangay Villamonte ang shooting incident na siyang kumitil ng buhay ng 27 anyos na pintor na kinilala kay Harold Mira na taga Rizal-Lopez Jaena Streets, lungsod ng Bacolod.


Ayon sa pangunahing saksi na si Junjun Belarmia, ang driver ng pampasaherong jeep na biglang sinakyan ng biktima, na una na niyang nakita ang biktima na hinahabol ng isang lalaki sa gilid ng daan habang may nakasunod na isa pang kasama nito na nakasakay sa isang single na motorsiklo.


Aniya, nagulat siya at ang kanyang pitong pasahero ng bigla na lamang sumakay ang biktima sa kanyang minamanehong jeep hanggang binaril na ito ng humbahabol sa kanya.Maraming putok ng kalibre 45 na baril ang narinig hanggang sa nakita na lamang na duguang bumulagta at wala ng buhay sa loob ng jeep ang bikima.

Hanggang sa ngayon, patuloy ang imbestigayon ng mga awtoridad sa pagtukoy ng mga salarin

Harold Mira

Source: Bombo Radyo Bacolod

No comments:

Powered by Blogger.